HALO-HALO...
"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."
"ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."
"hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"
"hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "
"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo - ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."
"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."
"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko."
"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sapaggawa ng wala."
"iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala.""iba ang informal gramar sa mali !!!"
"Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay yun, dapat matagal na kong patay."
"Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!"
Wednesday, 10 December 2008
Bob Ong :]
Posted by AlexisonFire :] at 22:05 0 comments
Bob Ong :]
BUHAY (in general)
"nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."
"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."
"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."
"Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?"
"Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras."
Posted by AlexisonFire :] at 22:03 0 comments
Bob Ong :]
Pag-aaral...
"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."
"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan..."
"Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa."
"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."
Posted by AlexisonFire :] at 22:00 0 comments
Bob Ong :]
Pag-ibig...
"Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."
"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."
"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."
"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."
"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..Dapat lumandi ka din."
"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."
"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"
"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."
"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
Posted by AlexisonFire :] at 21:57 0 comments
Friday, 12 September 2008
Sila ang mundo ko.
Meron akong bagong tropa ngayon, masaya ako sa kanila.
Lagi ko silang kasama sa kalokohan, sa tawanan, sa kakulitan hanggang sa kalungkutan.
Pero, may iba pa kong tropa na lagi kong karamay, mas masaya ako sa kanila.
Sa bawat patak ng luha, lagi silang andyan, pati sa kasiyahan andyan pa rin sila.
Minsan nagawa ko man makalimot, sa isip lang yun, pero sa puso ko lagi silang nandun at hindi sila mawawala kahit kelan.
Nagawa ko man silang iwan, babalik ako para lang patunayan ko sa kanilang hindi ko sila iniwan at para mapatunayan na mahal na mahal ko sila.
Hindi ko lang sila tropa, "sila ang mundo ko."
-- para sa tropa ko. Ü
Posted by AlexisonFire :] at 20:59 0 comments
Sunday, 31 August 2008
untitled.
August 29, 2008
-- ito yung araw na umalis sya. pumunta pa daw sya ng school, para mag-GOODBYE sa tropa nmin. feeling ko nun ako ung pinaka-LOOSER sa tropa namin. kasi ako lang ung hindi nakakita sa kanya. kasi nung bago pa ko umalis at nagpunta ng school para mag-GOODBYE, pumunta sya ng school nun. pero hindi din naman kami nagkita. cguro nga hindi na kami destined para magkita pa. well, that was God's plan not mine.
pero masakit pa rin kahit ganun. nung una parang wala lang. sbi ko hindi ako iiyak babalik pa naman sya eh. pero nung gabi na naiyak na talaga ko. nkakahiya tuloy sa mom ko. :] haha. well, naiyak ako dahil nung araw na un mismo eh considered na ko as part of the tropa. kahit cnu naman maiiyak nun eh. dba? well, masaya na din kc mgging maganda ung future ng family nila dun. lalo na sya. pero may konting lungkot pa din kasi nawala ung buhay ko. ung iniingatan ko ng mhbang pnahon. at dumating na din ung araw na kinatatakutan ko ung pag-alis nila. well, sabi ko sa sarili im gonna be rich para masundan ko sya dun. kahit may kaya na kami gusto ko pa rin sariling hirap ko. ang baet ko nh? haha. :] natakot pa ko. kasi may bagyo daw sa Pinas eh nasa plane daw sila nun. buti na lang walang nangyre sa kanila. woooo! saya ko nun. susundan ko talaga sya dun. haha. :]
August 30, 2008
-- medyo masaya na ko ng konti. medyo nakalimutan ko na ung pain. pero ayos na din ako. kamusta na kaya cla dun? masaya kaya sya or nalulungkot katulad ko nung unang dating ko dito. Culture shock kung tawagin. hanggang ngayon may ganun pa din ako eh. haha :] nothing much to say. msaya na talaga ko. tapos may balot pa kong kausap buong magdamag c Bhurdz ni chi. haha :] ok na to.
Posted by AlexisonFire :] at 02:51 0 comments
Thursday, 28 August 2008
He's leaving tomorrow.
tomorrow he's leaving. hindi ko alam kung kaya kong malayo sa kanya.
well, wala naman akong magagawa para pgilan sya eh. un ang gusto ng parents nya.
well, magging happy na lang ako para sa kanya. 1 day to go na lang. :(
saka babalik naman sya eh, sbi nga nila: There's no place like home. sana totoo un ah.
bhala na nga. Life must go on!
Posted by AlexisonFire :] at 03:17 0 comments
Wednesday, 27 August 2008
He's leaving on a jet plane.
kelangan pa bang umalis? well, ako nga umalis eh, pero hindi naman ako for good dito hindi katulad nila na for good na dun. well, magkikita at magkikita din na naman kami kaya lang wala nga lang exact time at date. kaya maghihintay na lang ng susunod na kabanata.
sana magin maayos ung life nila dun. i wish him all the best kahit na ayokong umalis talaga sila. bahala na nga si God at si Batman. hindi naman sila pababayaan ni Lord eh. saka bakit ba ko nagpost ng ganito? Hey alexis! wake up! Life must go on!
Posted by AlexisonFire :] at 22:26 0 comments
something RANDOM.
Random nga ba?
Ang hirap pala mag-move on. Even though he doesn't meant for you.
akala mo sa'yo sya. pero hindi naman pla at kahit minsan HE'S never been yours.
you're thinking that he's also inlove with you. pero he's not.
Bakit kapag alam ni God na you deserve that person kinukuha nya?
Ganun ba talaga? kasi he's not yours?
ganun ba talaga lagi? kelangan mo muna maghirap para lang makuha ung taong gusto mo?
because of my stupidness madaming nagsa-suffer. bakit pa kasi nauso ung Love, kung hindi naman para sa lahat.
well, it's a part of our lives. just do what you want. maybe something good will happen. :D
Posted by AlexisonFire :] at 22:06 0 comments
Leaving on a jet plane.
Posted by AlexisonFire :] at 21:43 0 comments